18
views

By

Panukalang pag-aarmas sa mga opisyal ng barangay, mapanganib – Acop

Sharing is caring!

Kailangan ng batas para sa proposal ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga opisyal ng barangay para daw labanan ang krimen at iligal na droga.

Paliwanag ni Antipolo Rep. Romeo Acop, chairman ng House committee on public order and safety, merong umiiral na Republic Act No. 10591 o mas kilalang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act kung saan nakasaad kung sino-sino lamang ang pwedeng mag-armas gaya ng uniformed personnel o mga sundalo’t pulis.

Sinabi ni Acop na sa ilalim ng batas, hindi lahat ay pwedeng basta mag-armas dahil meron itong kinakailangang kuwalipikasyon at sinusunod na proseso.

Bilang isa ring dating opisyal ng Philippine National Police, naniniwala ang kongresista na mapanganib ang pag-aarmas sa mga opisyal ng barangay kasama ang mga tanod dahil hindi sila sinanay sa paghawak ng baril.

At dahil wala silang kaalaman kung kailan lang dapat gamitin ang baril, baka anya maabuso ito.

“Kailangang sundin ang batas. Mas dangerous ito dahil baka abusuhin,” ayon kay Acop.

Nauna nang sinabi ni Senador Ping Lacson na kailangan nang pag-apruba ng Kongreso sa panukala ng Presidente na armasan ang barangay officials. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?