9

Feb 23, 2021 @ 17:20
By

Panukalang pabilisin pagbili ng bakuna, pagbuo ng indemnity fund pasado sa Senado

Inaprubahan na sa Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang isang panukala na naglalayong pabilisin ang pagbili ng COVID-19 vaccine at pagbuo ng national indemnity fund.

Dalawampu’t dalawang senador ang bumoto pabor sa pagpasa ng Senate Bill No. 2057 o panukalang Covid-19 Vaccination Program Act of 2021.

“With this measure, we hope to see the start of the inoculation of our population, starting with the priority sectors, at the shortest possible time,” pahayag ni Senador Sonny Angara, sponsor ng panukala at chairman ng Senate finance committee.

“We as a people have lost so much because of the pandemic—in terms of jobs, opportunities and human life. However, we believe that with this measure, we have not lost out on the belief that there will in fact be an end to this ordeal,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng panukala, ang local government units (LGUs) ay exempted sa ilang procurement rules sa ilalim ng kasalukuyang batas sa pagbili ng bakuna para sa kanilang mga constituent.

Nakasaad din dito na pinapayagan ang KLGUs na gumawa ng advance payment ng hindi lalagpas ng 50 porsiyneto ng contract price kung required ng supplier, manufacturer, distributor, contractor o consultant.

Sa ilalim ng Government Procurement Reform Act, pinapayagan lang nito ang advance payment na katumbas sa maximum na 15 porsiyneto ng halaga ng government-financed projects.

Sabi pa sa panukala, inoobliga ang mga bibiling mga LGU na isaprayoridad ang frontline health worker, senior citizens at mga indigent person.

Maaring gamitin ang LGUs ang kanilang available resourcs sa pagbili ng bakuna at iba pang supply.

Bukod sa pagpapabilis ng pagbili at administrasyon ng bakuna sa bansa, layunin din ng panukala na magbuo ng Covid-19 National Indemnity Fund para mabayaran ang sinumang indibidwal na nabakunahan at nakaranas ng masamang epekto o side effect o hindi kaya’y namatay dahil dito.

Para pribadong sektor, ang pagbili ng COVID-19 vaccine ay sa pakikipagtulungan ng DOH at NTF sa pamamagitan ng multiparty agreement.

Maglaan ng kabuuhang P500 milyon na kukinin sa Contingent Fund of the 2021 General Appropriations Act na idadagdag sa existing fund ng Philippine Health Insurance Corporation bilang administrator ng indemnity fund.

“The indemnity fund will cover the indemnification agreements with the vaccine manufacturers, which the NTF has started fulfilling. This removes one major stumbling block to the delivery of the vaccines to the country,” sabi ni Angara.

Mag-iisyu naman ang DOH, LGUs at private entities ng vaccination card sa lahat na indibidwal na nabakunahan na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?