123
Panukalang magtatatag ng 'Department of Water' inihain sa Senado
Mar 20, 2019 @ 20:53
By

Panukalang magtatatag ng ‘Department of Water’ inihain sa Senado

Isinusulong ni Senador Bam Aquino ang pagbubuo ng departamento na tututok sa lahat ng ahensya at mga pribadong kumpanya na nangangasiwa sa suplay ng tubig.

Ito’y matapos ibasura ng Malacañang ang kahalintulad na suhestiyon ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia.

Ayon kay Aquino, ang naturang departamento umano ang magpapatibay sa water resource planning at policy-making para masiguro na masustena at patas ang alokasyon ng tubig.

Aniya sa Senate Bill No. 2216, ang kasalukuyang pira-pirasong water regulation sa bansa ay nagresulta ng backlog probisyon ng water supply at sanitation services sa publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?