24

Nov 9, 2021 @ 18:59
By

Panukalang magpapalakas sa CHED umusad sa Kamara

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na magbabago sa charter ng Commission on Higher Education (CHED) upang mapalakas ito.

Ang panukalang Amended Higher Education Act (House Bill 10282) ay inaprubahan sa sesyon ng Kamara ngayong Martes sa pamamagitan ng voice voting.

Sa ilalim ng panukala isasama na sa charter ng CHED ang mga batas na ginawa mula nang itatag ito noong 1994.

Kabilang sa mga batas na ito ang Higher Education Modernization Act, Ladderized Education Act at Unified Student Financial Assistance System in Tertiary Education (UniFAST).

Babaguhin din ang organizational structure ng CHED na pamumunuan ng chairperson at apat na commissioners na dapat ay mga doctorate degree holder.

Ang chairperson, commissioners at deputy commissioners ay itatalaga ng Pangulo at bibigyan ng apat na taong termino. Maaari naman silang i-reappoint ng isang beses.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?