81

By

Panukalang magpapadami sa lady cop, aprub sa 2nd reading

Pumasa sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang naglalayon na dagdagan ang recruitment quota para sa mga babaeng pulis ng Philippine National Police (PNP).

Sakaling maging batas ang House Bill 9058, tataas ng 10 hanggang 20 porsiyento ang recruitment quota para sa mga lady cop.

Samantala, nagpahayag ng kanyang pagkaalarma si PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa suhestiyon ng pagdami ng babaeng pulis dahil sa expanded maternity leave.

“Hindi naman natin dini-discriminate yung mga female police, but then marami na rin kasi kaming nakuhang mga policewomen. Just imagine that they cannot render service during that span of time (maternity leave), pero we follow the 10-percent rule. As of this time, it’s more than 10 percent,” anang hepe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?