62

Jan 10, 2022 @ 15:44
By

Panukalang magbabago sa termino ng pangulo, VP ‘too late’ – Lacson, Sotto

Dahil wala nang oras, malabo na umanong umusad ang isang panukala na inihain ng isang kongresista na naglalayong paikliin ang termino ng Pangulo subalit bibigyan ito ng pagkakataon na muling tumakbo sa halalan.

“Parliamentary ethics dictate that I do not question the motive of a fellow legislator but what i can say is it’s too late in the day,” reaksiyon ni vice presidential candidate Senate Presidente Vicente Sotto III.

“They should try that in the 19th Congress. Good luck!” dagdag pa nito.

Sa Resolution of Both Houses no. 7 na inihain ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., magpapatawag ang Senado at Kamara de Representantes ng Constituent Assembly (Con-Ass) para amyendahan ang mga termino ng mga elective position sa gobyerno.

Sa ilalim ng panukala, ang termino ng Pangulo ay gagawing limang taon na lamang mula sa kasalukuyang anim na taon. Pero papayagan ito ng isang re-election at kung mananalo ay magiging 10 taon ang pamamalagi nito sa pwesto.

Maging ang running mate ni Sotto na si Senador Panfilo Lacson, standard bearer ng Partido Reporma, hindi na umano kakayanin pa ng Kongreso na talakayin ang anumang panukala na may kinalaman sa pagpapalit ng Konstitusyon.

“I don’t think there’s still time to tackle any measure that involves Charter Change,” sabi ni Lacson.

“Kung nun ngang mga nakaraang taon, hindi nangyari – lalo na ngayon that we have only 9 session days left, not including the joint session of Congress to convene as the National Canvassing Board for President and Vice President,” dagdag pa nito.

Sabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon: “Papatulan ba yang ganyang klaseng balita?”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?