ABANTE mining zambales ecosystem
By

Panukalang legislative franchise sa mining companies, umusad sa Kamara

Sharing is caring!

Pasado na sa House committee on legislative franchise at House committee on natural resources ang panukala na oobliga sa mga mining company na kumuha ng prangkisa sa Kongreso para sa kanilang operasyon.

Ang panukalang ito na pangunahing iniakda ni House Speaker Pantaleon Alvarez ay aamyenda sa Philippine Mining Act of 1995.

Sa ilalim ng inaprubahang substitute bill, magiging requirement na sa mga mining firm na kumuha ng legislative franchise bago sila makapag-apply para sa large-scale quarrying permit.

Ang mga nag-ooperate na ngayong kumpanya ay bibigyan ng dalawang taon para kumuha ng prangkisa sa Kongreso.

Naniniwala si Alvarez na sa pamamagitan ng ganitong hakbang ay masusuring mabuti kung alin ang mga responsableng minahan na dapat payagang makapag-operate sa Pilipinas.

“By requiring mining firms to acquire a legislative franchise, the people, through their elected representatives, would be able to scrutinize the applicants, their capability and track record, in order to make sure that only responsible mining firms are allowed to operate in the country,”ani Alvarez.

Ipinagbabawal naman sa panukala ang lahat ng uri ng pagmimina sa mga itinuturing na critical watershed.

Nakapaloob rin dito ang pagpapataw ng dalawampu hanggang animnapung porsiyentong export tax sa loob apat na taon para sa iluluwas na raw ore sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?