106

Feb 1, 2019 @ 17:56
By

Panukalang dagdag-buwis sa yosi ‘matutulog’ na sa Senado

Matetengga na sa Senado ang panukalang batas para sa pagtataas ng buwis sa sigarilyo.

Sinabi ni Senate President Tito Sotto na hindi na nila ito maaaprubahan hanggang sa susunod na linggo dahil magsasara ang kanilang sesyon hanggang sa Biyernes.

“No chance next week. Best effort when we resume,” ayon kay Sotto.

Sa Lunes, idaraos pa ang huling pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means ukol sa panukalang dagdag na buwis sa sigarilyo at sa Miyerkoles inaasahan ang committee report ukol dito.

Sa legislative calendar, magsasara ang sesyon ng Senado at Kamara hanggang sa Biyernes.

Babalik sila sa sesyon sa Mayo 20 hanggang Hunyo 9, ang mga huling araw ng kanilang sesyon bago tuluyang magsara itong ika-17 Kongreso.

Nasa Senado ang panukalang batas ni Senador Manny Pacquiao na nagpapataas sa P60 buwis sa bawat pakete ng sigarilyo.

Ipinaaakyat naman ni Senador Sherwin Gatchalian ang buwis sa P70 kada pakete habang P90 ang itinutulak ni Senador JV Ejercito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?