76

Jul 27, 2018 @ 14:47
By

Panukalang batas vs balimbing, binuhay ni Drilon

Isinusulong muli ni Senate Minority Franklin Drilon ang panukalang batas na layong magpatigil sa pagbalimbing o pagtalon sa iba’t ibang partido politikal.

Kasunod ito ng agawan sa speakership at iba pang posisyon sa Kamara.

Diumano’y susundan iyon ng pagkalas ng ilang konggresista mula sa ruling party na PDP-Laban para sumapi sa partido ni Mayor Sara Duterte na Hugpong ng Pagbabago.

Sa Political Party System Bill o Senate Bill 226 na inakda ni Drilon, ituturing na political turncoat o balimbing ang miyembro ng partido na tatalon sa iba pang partido.

Kapag bumalimbing, diskuwalipikado sa kasunod na eleksyon at bawal ding humawak ng posisyon sa lilipatang partido.

Pababayaran pa sa balimbing ang ginastos ng partido sa kanyang kampanya kasama ang 25 porsiyentong tubo.

Upang maging matatag naman ang mga partido, kasama sa panukala ang pagsubsidiya ng gobyerno sa kanilang gastusin.

Ayon kay Drilon, kung matatag ang political party system, hindi mangyayari ang gulo sa liderato ng Kamara.

Maitutuon din umano ang labanan sa politika sa ideolohiya at plataporma sa halip na personalidad. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?