57
Panukalang batas na magpapalakas sa OSG, vineto ni Duterte
By

Panukalang batas na magpapalakas sa OSG, vineto ni Duterte

Ibinalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang enrolled bill na naglalayong palakasin ang Office of the Solicitor General (OSG) at magdagdag ng mga benepisyo para sa mga empleyado ng ahensiya.

Sa veto message ng Pangulo, sinusuportahan nito ang pagpapalakas sa OSG subalit dapat ikonsidera ang magiging epekto nito sa burukrasya.

Posible aniyang maungusan ng mga empleyado ng OSG ang mga benepisyong tinatanggap ng ibang mga empleyado ng pamahalaan na maging dahilan para madiskaril ang standard na kompensasyong tinatanggap ng ibang government worker.

“Having examined the bill in such light, I am apprehensive that the provisions granting benefits ‘beyond the current compensation framework’ for other government offices may prove too onerous to the government,” anang veto message ng Pangulo.

Batay sa nakapaloob sa enrolled bill, binibigyang-kapangyarihan ang OSG na kumuha ng mga bagong abogado at magdagdag ng mga benepisyo para sa mga empleyado.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na ang pagdaragdag ng benepisyo para sa mga empleyado ng OSG ay posibleng magdulot ng pagkakaiba at hindi pantay na benepisyo sa iba pang lingkod bayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?