By

Panukalang batas kontra endo, iraratsada ng Senado – Koko

Sharing is caring!

Hindi na kailangang makiusap o mangulit ni Pangulong Rodrigo Duterte para apurahin ng Senado ang panukalang batas laban sa kontraktwalisayson o endo – end-of-contract.

Sinabi ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na prayoridad at mamadaliin ito ng Senado pagbalik nila sa sesyon sa Mayo 15.

Idiniin na suportado nila ang pag-iisyu ni Pangulong Duterte ng executive order (EO) kontra endo pero batid umano nila na mas kailangan ng batas para hindi na pabago-bago ang patakaran ng gobyerno para sa proteksyon ng mga manggagawa.

“I support the end of contractualization and approve of the bold move of President Duterte signing an EO to end it,” ani Pimentel.

“For my part, I will make sure that a law on the matter will be passed as soon as possible to make the gains of workers permanent,” dagdag nito.

Isa sa mga pangako ni Duterte noong kampanya ang pagwawakas sa endo.

Ayon kay Pimentel, totoo namang kailangan itong ibigay sa mga manggagawa upang hindi sila maabuso.

“Ending endo will empower our workers and improve their quality of life,” diin nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?