75

Aug 5, 2022 @ 17:40
By

Panukala ni Bato na puntirya Makabayan bloc pinalagan

Pumalag si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro sa panukala ni Sen. Ronald dela Rosa na pagbawalan ang mga party-list group na ini-uugnay sa mga rebelde at teroristang grupo na sumali sa halalan.

Ayon kay Castro, obvious na ang target ng panukala ni dela Rosa ay ang Makabayan bloc sa kanyang pag-ulit sa “script” ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kaugnay ng walang basehang red-tagging ng mga progresibong party-list group.

“A legislated red-tagging that will not only affect the Makabayan bloc but all genuine marginalized sectors that should be represented by party-list groups,” sabi ni Castro.

Sinabi ni Castro na bigo ang mga nasa likod ng ted-tagging na patunayan ang kanilang alegasyon sa korte.

“Yesterday, trumped-up charges against NDF consultant Renante Gamara was dismissed and becomes the 27th activist freed by courts in 2022 alone,” dagdag pa ni Castro.

Sa ilalim ng Senate Bill 201 na akda ni dela Rosa, daragdagan ang mga batayan sa pagkadiskwalipika ng mga party-list group upang hindi makalahok sa halalan.

Iginiit ni dela Rosa na bagamat maganda ang intensyon ng party-list system ito ay inaabuso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?