7,876

May 8, 2018 @ 15:48

Pants ni Bato, P25K ang halaga

Usap-usapan sa social media ang mamahaling pantalon ni dating Philippine National Police (PNP) chief at bagong Bureau of Correction director Ronaldo “Bato” Dela Rosa.

Sa mga litratrong kumalat sa social media, makikitang nakausot si Dela Rosa ng Ricky Stright Super T Mens Jean ng True Religion, isang isakt na brand ng jeans sa United States.

Sa website ng True Religion, ang presyo ng mga jeans ay mula P13,000 hanggang P30,000.

Ang suot ni Dela Rosa na Ricky Straight Super T Means Jean ay nagkakahalaga diumano ng P24,968.00.

Nakita si Dela Rosa na suot ang mamahaling pantalon nang bisitahin nito ang New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City noong Mayo 6, dalawang araw bago siya umupo bilang pinuno ng BuCor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?