96

Apr 24, 2021 @ 15:20
By

‘Pantry Sisters’: Pokwang, Paolo Ballesteros nagtayo ng community pantry

Dagdag sina Pokwang at Paolo Ballesteros sa mga artista na tumutulong sa pagtatayo ng community pantry.

Sa Instagram post ni Pokwang, binahagi nito ang kanilang pantry sa kanilang komunidad sa Antipolo.

Tinawag din niyang ‘Pantry Sisters’ ang mga nakasama niya sa kawanggawa.

“Tagumpay ang aming #communitypantry ang #pantrysisters thank you sa mga kapitbahay ko sa pakikiisa at pakikipagtulungan [Paolo Ballesteros] @pjfuente @kikel_ salamat sa inyo,” caption ni Pokwang.

Ang ‘Pantry Sisters’ ay nagmula sa award winning film ni Paolo na ‘Panti Sisters’ noong 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?