jeep
By

Pantawid Pasada Program sa ilalim ng TRAIN Law, ‘di pa mapapatupad

Sharing is caring!

Matatagalan pa bago maayudahan ng gobyerno ang mga driver at operators ng pamasaherong jeep sa harap ng pinapasang mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Sa pagdinig ng House ways and means committee, inamin nina LTFRB chairman Martin Delgra at DOTr Usec. Tim Orbos na wala pa silang database ng mga driver na gagamiting basehan sa implementasyon ng Pantawid Pasada Program.


Sabi ni Delgra, binubuo pa lamang nila ang database sa pamamagitan ng Drivers Academy Program ng LTFRB.

“We are actually trying to generate drivers data base through Drivers Academy Program that we have started last year, and we are still doing it until now. We´re now looking at 400,000 to 500,000 drivers covering the same number of PUV vehicles that are registered in the system,” ayon kay Delgra.

“Admitedly, we don’t have drivers data base to show the exact number of drivers,” dagdag ng opisyal.

Sa Pantawid Pasada Program, bibigyan ng fuel voucher ang mga driver o operator ng pampasaherong jeep para magamit na diskwento sa pagbili ng diesel. Pinaglaanan ito ng P900 million sa ilalim ng 2018 budget.


“Definitely we want to make use of it, because support mechanism guidelines pa lang nagagawa namin. 


Inatasan naman ni ways and means committee chairman Dakila Carlo Cua ang transportation officials na magsumite ng report sa susunod na linggo tungkol sa kung kailan kakayaning tapusin ang database.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?