156

Oct 24, 2018 @ 15:19
By

Pantawid Pasada ‘di pa naibibigay sa ilang jeepney driver, operator

Nasa 40 porsyento ng mga jeepney driver at operator ang hindi pa nabibigyan ng Department of Transportation (DOTr) ng benepisyo sa ilalim ng Pantawid Pasada program.

Sa programa na utos ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, bibigyan dapat ngayong taon ng P5,000 na tulong pinansyal ang mga jeepney franchise holder.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Economic Affairs, sinabi ni Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua na batay sa report ng DOTr nung Oktubre 22, may 56,154 na cash card ng Pantawid Pasada ang naipamigay.

Nasa 40 posyento lang ito ng higit 139,000 na dapat mabiyayaan ng programa batay sa talaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Chua, handa naman umano ang pondo at ang cash card pero nagkakaproblema sa distribusyon dahil madalas na walang naipakikitang katibayan ng prangkisa ang jeepney driver o operator.

Mayroon ding naibenta o ipinarerenta ang kanilang prangkisa.

Ang Pantawid Pasada ay pampagaan ng gobyerno sa transport sector na direktang apektado ng pagtataas ng buwis sa petrolyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?