97

Oct 24, 2018 @ 15:34
By

Pantawid Pamilya, Pasada sa 2019 tuloy kahit garahe ang dagdag fuel tax – DBM

Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na tuloy ang pagbibigay sa 2019 ng tulong pinansyal ng gobyerno sa mahihirap na pamilya at transport sector kahit pa suspendihin ang P2 piso kada litrong dagdag na buwis sa petrolyo.

Utos ito sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Economic Affairs, sinabi ng DBM na ibibigay pa rin ang P200 kada buwan na tulong sa 10 milyong pinakamahihirap na pamilya.

Bibigyan naman ng P10,000 ang may 139,000 jeepney franchise holder.

Inumpisahan itong ipatupad ngayong taon pero hindi pa 100 porsyento ang distribusyon ng tulong.

May 1.2 milyong pamilya pa ang hindi nabibigyan ng benepisyo ng Pantawid Pamilya dahil naninirahan umano sila sa mga liblib at malayong lugar.

Halos 80,000 naman na jeepney franchise holder ang hindi pa nabibigyan ng ayuda sa ilalim ng Pantawid Pasada.

Mayroon umanong hindi makapagpakita ng katibayan ng prangkisa at may ilang nagbenta o nagparenta ng prangkisa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?