136

Aug 30, 2020 @ 21:11
By

Pantapat kina Bossing Vic, Vice Ganda: Luis Manzano hinatak ng TV5!

Isa pang big talent ang parte na ng ‘Kapatid network’.

Ayon sa report ng business site na Bilyonaryo, sinungkit ng TV5 ang sikat na TV host na si Luis Manzano mula sa ABS-CBN.

Isang source ang nagsabi na bibida si Luis sa isang noontime show ng TV network ni Manny V Pangilinan, mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-2 ng hapon.

Ang nasabing time slot ay pinaghaharian ngayon ng longest running noontime show na ‘Eat Bulaga’ sa GMA-7, habang mapapanood pa rin ang ‘It’s Showtime’ sa Kapamilya Channel sa cable TV, maging online.

Hindi na ito nakakagulat dahil unang tumalon ang kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola sa TV5, na may fitness show na sa naturang network.

Nakilala si Luis sa kanyang mga programa sa ABS-CBN tulad ng ‘The Voice’, ‘I Can See Your Voice’ at ‘Minute To Win It’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?