63

Feb 4, 2020 @ 9:30
By

Panregalo para sa Araw ng mga Puso mula kay Gohing

Ilang araw na lang ay Araw ng mga Puso na.

Patok man ang mga bulaklak ngayon, putok naman ang isyu sa pagkalat ng nakamamatay na novel coronavirus ng China.

Dahil dito’y nag-suggest nang makabuluhan at napapanahong regalo si volleyball star Melissa Gohing.

Sa twitter post ng balibolista, ang nobya ni actor Rocco Naicino, binahagi niya ang larawan ng isang `boquet of flowers’ na sa halip na may kasamang mga chocolates, stuffed toys at iba pa ay napalibutan ng pangontra konra nCoV.

@GohingMelissa: “Practical Valentine’s Day gift,” caption ng Creamline Cool Smashers player sa Premier Volleyball League, na napapalibutan ng face mask, sabon, alcohol, sanitizer at iba pa na panlaban sa virus.

Marami naman ang nag-react at natuwa sa pinost ng dalaga.

@VitugPatrice: “Napakataba ng utak”

“Oh? Be practical nga naman,” ani @gemjsl.

Ang isang Nanay Suesan naman ay nagpahabol: “Kulang ng condom momsh bwahahah!” @imkadorachi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?