31

By

Panoorin: Trailer ng ‘No Time To Die’ nilabas na

Nagbabalik bilang James Bond 007 si Daniel Craig kung saan magiging kontrabida sa buhay niya si Rami Malek, ang aktor na gumanap na Queen lead singer na si Freddie Mercury sa “Bohemian Rhapsody” film.

Inilabas na ang trailer ng “No Time To Die”, ang 25th installment ng movie franchise.

Kasunod ito ng pag-alis na ni James Bond sa serbisyo para mamuhay nang tahimik sa Jamaica.

Gagampanan ni Malik ang mysterious character na si Safin na maghihiganti sa famed secret agent.

Pasabog sa trailer ang paglitaw ni Lashana Lynch sa movie na gaganap na Agent 00.

Hinala ng fans, si Lynch ang magti-take over sa 007 role ni Craig. Siya na kaya ang sinasabing unang babaeng Bond?

Panoorin ang trailer dito:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?