38

Jun 23, 2022 @ 15:15
By

PANOORIN: Sampalan ng kawali ginawang contest

Tila naubusan na ng ideya ang ilang indibidwal sa ibang bansa dahil pati sampalan ng kawali ay ginawa na ring paligsahan.

Sa isang video na pinost sa Twitter, ibinahagi ng dating NBA player na si Rex Champan ang sampalan ng kawali na tinawag niyang ‘Pan-slapping contest.’

Mapapanood sa video na magkaharap ang dalawang lalaki habang nakaupo sa isang elevated na kahoy.

May suot na metal knight helmet ang dalawang magkatunggali at salitan sa paghampas ng kawali sa pisngi ng kalaban. Ang mahulog sa kahoy ang siyang matatalo.

Hindi naman nakasaad sa post ni Chapman kung saang lugar ginanap ang kompetisyon.

Nakahakot na ang kanyang video ng mahigit 2.5 milyon views.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?