29

Sep 3, 2020 @ 20:53
By

Panoorin: Parrot kumanta ng Beyonce song

Nagpabilib sa mga netizen ang isang 9-year-old parrot matapos niyang makanta ang 2008 hit song na “If I Were a Boy” ni Beyonce.

Takaw atensiyon ang parrot na si Chico matapos kumalat online ang video niya habang kumakanta sa Lincolnshire Wildlife Park sa Skegness, United Kingdom.

Binahagi ng animal center ang 8-segundong video sa kanilang Facebook page.

Ayon sa dating may-ari kay Chico na si Julie Gregory, may iba pang kantang alam ang dati niyang alaga.

Kaya nitong kantahin ang “Poker Face” ni Lady Gaga, “Firework” ni Katy Perry at “Crazy” ni Gnarls Barkley.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?