183

Feb 6, 2019 @ 15:07
By

Panoorin: Pagpatay sa NDFP consultant, nakunan ng CCTV

Inilabas na ng Police Regional Office 2 (Cagayan Valley) ang CCTV footage sa bus terminal at loob ng bus kung saan pinatay si National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultant Felix Randy Malayao sa Aritao, Nueva Vizcaya.

Sakay ng bus si Malayao nang huminto ang sasakyan sa Aritao noong Enero 30.

Dito pumasok ang gunman at binaril ang biktima habang natutulog umano.

Maririnig sa video ang dalawang putok ng baril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?