230

By

Panoorin: Pag-propose ni Mikee Morada kay Alex Gonzaga sa Hong Kong

Matapos ianunsyo na engaged na si YouTube star Alex Gonzaga sa boyfriend niyang si Mikee Morada, ipinakita ng una sa kanyang vlog ngayong Jan. 17 kung paano nangyari ang proposal.

Nangyari aniya ang proposal noong gabi ng Disyembre 27, 2019 sa Hong Kong.

Habang naglalakad sila sa garden ng 1881 Heritage na namumutiktik sa Christmas lights, lumuhod si Mikee saka tumayo at ninenerbiyos na tinanong si Alex ng “Will you marry me?”

Kita ang kilig kay Alex na nagtatatalon at naiyak.

Nasaksihan ang proposal ng mommy ni Alex na si Pinty at uncle nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?