54

Jun 24, 2022 @ 10:47
By

PANOORIN: Kelot ‘sinapian’ sa online class

Sabay sa uso ang TikToker na si RL Carbona sa kanyang huling video, kung saan ‘sinapian’ siya habang nasa gitna ng online class.

Matapos ipost noong Huwebes, humakot na ng mahigit 1.1 milyon ang views ng video ni Carbona.

Dito ay pinakita niya kung paano siya sapian habang nasa gitna ng recitation sa online class.

Ngunit ang video, spoof lang ni Carbona sa viral video kung saan isang babae ang sinapian umano habang ini-interview nang live sa telebisyon.

Pinagmukha talaga ni Carbona na siya ay sinapian dahil sa pagtirik at panlilisik ng mga mata nito. Sa dulo ng video, napa-dasal na lang ang kanyang ‘teacher.’

Dahil sa napapanahon ang video ni Carbona, agad itong nag-viral at pumatok sa mga netizen.

@rl.carbona

omg sinapian ako😢

♬ Orange 7 – Anime Quotes

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?