201

Mar 28, 2019 @ 18:23
By

PANOORIN: Kagawad nanakal ng MMDA enforcer sa Baclaran

Isang concerned citizen ang nagbahagi ng video kung saan makikita ang gulo sa nangyaring clearing operations sa Baclaran.

Kinasasangkutan umano ito ng isang kagawad at mga miyembro ng MMDA.

Makikita sa video ang paninigaw, pagtulak at pagsakal ng kagawad sa enforcer ng MMDA.

Anang nag-post ng video na Gadget Addict, nagiging mahirap ang hinahangad na pagbabago sa Baclaran dahil sa mga pasaway na vendor at barangay.

Kapag nakaalis na umano ang MMDA ay babalik na naman ang mga pasaway na vendor para harangan ang kalsada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,