17

By

Panoorin: BTS nag-ala Beatles sa ‘The Late Show’

Nagbigay ng tribute sa kilalang English rock band na The Beatles ang Korean boy band na BTS sa debut nila sa “The Late Show” with Stephen Colbert.

Nagtulong ang BTS at ang “The Late Show” para i-transform ang Ed Sullivan Theater sa eksena noong 1964 nang unang lumabas ang The Beatles sa U.S. television.

Nagmukhang John Lennon, Paul McCartney, Ringo Starr at George Harrison sina Jungkook, Jimin, V, Suga, Jin, RM at J-Hope sa “The Late Show” noong Miyerkoles ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?