18

By

Panoorin: British ambassador, tagumpay sa pagluluto ng bibingka

Sa unang pagkakataon, sinubukan ni British Ambassador to the Philippines Daniel Pruce na ipagdiwang ang Kapaskuhan sa pamamagitan ng pagluluto ng kilalang pagkaing Pinoy tuwing Pasko na “bibingka”.

Ibinahagi ng British Embassy Manila sa kanilang Twitter ang paggawa ng bibingka ni Pruce sa tulong ng professional chef na si Chef Jomar.

“Pasko na naman! Christmas in the 🇵🇭 won’t be complete without bibingka. Join Amb @DanielPruce as he tries his hand at cooking this traditional Filipino Christmas food. #MaligayangPasko sa inyong lahat!” sabi sa caption ng video.

Matapos maluto ay tinikman ito ni Pruce at napasabing, “So napakasarap ng bibingka.”

Sa dulo ng video ay binati nito ang mga Filipino ng “Maligayang Pasko po sa inyong lahat.”

IS

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?