24

Apr 29, 2021 @ 18:18
By

PANOORIN: Bastos jam ni Hachimura kay Davis

Napahiga si Anthony Davis sa court dahil sa tindi ng dakdak ni Rui Hachimura.

Sa laban ng Washington Wizards at Los Angeles Lakers, nakakita ng opening ang Japanese player para idakdak ang bola, tanging si Davis lang ang nakaabang sa kanya sa ring.

Sinubukang depensahan ni Davis ang tira ni Hachimura, ngunit determinado ang Wizards sophomore na isalpak ang bola, dahilan para ma-posterize ang 8-time NBA All-Star.

Panalo ang Wizards sa naturang matchup, 116-107, kung saan tumapos si Hachimura tangan ang 12 points at two rebounds.

Nanguna naman si Davis para sa Lakers na may 26 points at five rebounds, ngunit hindi pa rin naglalaro ang kanyang partner na si LeBron James dahil sa injury.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?