140

Apr 5, 2021 @ 13:59
By

‘Panliligaw’ ni JM kay Arci, proposal pala!

Kilig ang lahat sa mistulang panliligaw ni JM de Guzman kay Arci Muñoz sa Instagram post ng aktres.

Ngunit prank lang pala ito sa dyowa ng kapatid ni Arci.

Sa Youtube vlog ni Arci, makikita ang pagtanong ni JM kung puwede ba siyang maligawan, ngunit kaagad na sumagot ang sexy actress ng ‘No!’.

Dito na inabot ni Arci ang boquet na binigay sa kanya ni JM sa kanyang kapatid na si Manolet.

Ang ending, si Manolet pala ang magpo-propose sa kanyang girlfriend at hindi si JM.

Happy ending naman ang kinalabasan dahil ‘yes’ ang natanggap ng kapatid ni Arci mula sa fiancee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?