48

Apr 6, 2021 @ 14:34
By

Panlasa, pang-amoy ni Angeline bumalik na

May magandang balita si Angeline Quinto para sa kanyang mga fan.

“May panlasa at pang-amoy na ulit ako,” sey ng 31-anyos na singer sa kanyang social media accounts ngayong Martes, Abril 6.

“Salamat Panginoon 🙏🙏,” dagdag niya.

Kamakailan lang, ikinuwento ni Angeline sa isang vlog na nagpositibo sa COVID-19 ang kasama niya dapat sa lock-in taping sa Laguna, na kanya nang nakasalamuha at nakasabay pang kumain.

March 26 nang i-swab test si Quinto, at dito nakumpirmang nagpositibo sa coronavirus ang singer. Nakaranas rin aniya siya ng ilang sintomas gaya ng diarrhea, lagnat at pagkawala ng pang-amoy at panlasa

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?