1,152

Feb 24, 2020 @ 16:06
By

Panira sa kasal! Pagpapa-Tulfo ng bodyguard ni Sarah kinuyog ng mga netizen

Sa halip na makakuha ng simpatiya, pinutakti ng negatibong komento ang close-in security detail ni Sarah Geronimo dahil sa pagsusumbong pa nito kay Raffy Tulfo sa nangyaring komosyon sa kasal ng singer kay Matteo Guidicelli.

Sabi ng ilang netizen sa No. 1 trending hashtag na #Tulfo, bakit hindi na lang manahimik ang bodyguard na si Jerry Tamara.

Nagmumukha raw tuloy itong mukhang pera kasi naghahabol ito samantalang ito ang nakasira sa kasal ng Pop Princess.

Bakit noong una raw ay tumanggi itong maghain ng kaso at ngayon ay magpapa-Tulfo pa sa pagsuntok umano sa kanya ni Matteo.

“To the bodyguard, you refused to file a case then here you are, going to “raffy tulfo”. Di ka na ba matatahimik? Sir, With all the respect, fck you for ruining sarah’s special day and of course fuck you for ruining sarah’s day until now. Nagmumukha kang pera kasi humahabol ka,” reaksyon ni @iamsuperbabi.

Kinuwestiyon naman ni @BinibiningSawi0 kung bakit umabot pa kay Tulfo ang usapin imbes na ayusin na lang sa presinto.

“I hate the fact na umabot pa kay tulfo. Pwedi naman isettle sa police station? Like? Hey! Guys Sarah and Matteo deserve a peaceful life. Give it to them! Stop making issues! This is sooo fishy!! Ka oayan at its finest,” ani @BinibiningSawi0.

Sabi naman ni @Yssaahhhhh_V, gusto lang sumikat ng bodyguard kaya nagpa-Tulfo.

“Mukang tanga!!!!! Ano kaya’t nag pa tulfo pa ah. gusto lang sumikat,” wika ni @Yssaahhhhh_V.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?