sabong
By

Paniniwala sa sabong, epektibo nga ba?

Sharing is caring!

Ilan sa mga pinaniniwalaan ay huwag maglalaban kung may patay sa inyong lugar ayon sa mga matatandang sabungero.

“Huwag mong isasara ‘yung kulungan na pinanggalingan ng panlaban mong manok kasi babalik pa yan,” paniwala ni Marvin Marcelo, isang beteranong sabungero na taga-Pasay City. “Kapag kinuha mo na ‘yung manok diretso na sa sasakyan huwag na maglingon-lingon pa,”

Noong una hindi naniniwala ang 42-anyos na si Marcelo sa mga pamahiin subalit nang maranasan niyang magtatalo ay niyakap na nito ang mga pamahiin sa sabong.

“Noong una hindi talaga ako naniniwala, pero nung nagtatalo ako at natataon na may patay sa aming lugar at minsan may nakakasalubong akong karo ng patay,” kuwento ni Marcelo.

May mga hindi naniniwala sa pamahiin dahil ang katwiran nila ay kung ukol sa talo ay matatalo talaga ang manok mo.

Walang malas o suwerte, sabi nga ni 2018 World Slasher Cup 1 champion January Edition, Patrick ‘Idol’ Antonio, Ang sabong ay hindi suwertihan kapag maganda ang iyong paghahanda at may tiyaga ay malamang sa panalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?