65

Feb 11, 2020 @ 20:45
By

Paniningil ng toll sa CALAX simula na

Mag-uumpisa nang maningil ng toll sa unang bahagi ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX) matapos makakuha ng basbas mula sa Department of Public Works and Highways at sa Toll Regulatory Board (TRB).

Ang CALAX ay proyekto ng MPCALA Holdings Inc. ng Metro Pacific Investments Corp. ni Manny V. Pangilinan.

Sabi ng Metro Pacific, natanggap ng MPCALA Holdings ang authority mula sa Department of Public Works and Highways para sa full commercial operations ng unang bahagi ng CALAX na may habang 10.7 kilometro na nagmumula sa Mamplasan sa Biñan, Laguna hanggang sa Sta. Rosa, Tagaytay Interchange.

Dagdag nito, inaprubahan na rin ng TRB ang petisyon ng MPCALA Holdings na mangolekta ng toll fee sa mga sasakyang dumadaan sa CALAX.

Ang toll fee para sa mga class 1 vehicles o mga kotse at SUVs ay P47 mula Mamplasan hanggang Sta. Rosa-Tagaytay interchange.

Para sa mga class 2 vehicle, ang singil sa 10.7 kilometrong bahagi ng CALAX ay P95 at P143 ang toll fee sa class 3 vehicles.

Kapag nabuo na ang CALAX, ikokonekta nito ang Kawit sa Cavite sa Mamplasan sa Biñan, Laguna na may habang 45 kilometro.

Tig-dalawang lane ang expressway at inaasahang matatapos ito sa 2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?