1,219
rodrigo-duterte
By

Panibagong set ng matataas na opisyal, sinibak ni Duterte

Sharing is caring!

Nadagdagan na naman ng mga pangalan ang listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga opisyal na sinibak sa puwesto dahil sa katiwalian.

Sa kanyang talumpati sa mass oath taking ng mga bagong opisyal ng gobyerno, malungkot na ibinalita ng Presidente na mayroon itong panibagong sinibak na mga matatas na opisyal ng gobyerno.

Gayunman, hindi pinangalanan ni Pangulong Duterte kung sino-sino ang mga sinibak na opisyal.

Ang mga ito aniya ay ang mga taong pabalik-balik noon sa Davao para kumbinsihin siyang tumakbo sa pagka-pangulo.

“You know, I’m very sad to inform you that as of last week I fired another set of high officials. Alam mo, kasi ‘yung iba to my chagrin almost… These were the guys that — who went back and forth to Davao to convince me to run. ‘Sige na mayor, tumakbo ka na kasi wala na tayong ibang kandidato na — to repair the nation, to rehabilitate everything and to stop corruption’, blah blah blah and blah blah blah,” anang Pangulo.

Nakakadismaya aniyang ang mga taong pinagkatiwalaan ang siya pa lang gagawa ng kalokohan kaya nakakahiya.

“Ayaw ko sana ‘yung mawalan ako ng bilib sa kaibigan o kakilala. I hate it because I know you — they meant well. But along the way, may papasok talaga na kalokohan ang p***.

“My lamentation is, “p***** i** ka bakit ka pumunta sa akin noon na ganun. Nagpapa-corny lang pala tayong lahat dito kasi kung sinabi lang ninyo ng ganun, it’s either hindi ako tumakbo or hindi ko kayo tinanggap.

“But you know as supporters, early on, even during my mayorship days, they were already around and yet to f*** around. Eh nakakahiya,” dagdag ng Pangulo.

Paiwas naman ang sagot ni Presidential Spokesman Harry Roque kung kasama ba si Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco sa mga sinibak ng Pangulo.

Ayon kay Roque, inalis lamang si Evasco bilang chairman ng National Food Authority Council.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?