dengvaxia2
By

Panibagong reklamong kriminal kaugnay sa Dengvaxia, inihain ng PAO

Sharing is caring!

Nagsampa ng panibagong reklamo ang Public Attorney’s Office (PAO) laban kina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, dating DOH Secretary Janette Garin at iba pang dati at kasalukuyang opisyal ng kagawaran ng kalusugan dahil sa Dengvaxia.

Ang panibagong reklamo ay inihain ng mga magulang ni Jansyn Bataan na sina Darwin at Merlyn Bataan mula sa Caloocan City.

Si Jansyn, 13 taong gulang, ay naturukan ng Dengvaxia noong Nobyembre 29, 2017, pero siya ay naospital at na-comatose hanggang tuluyang binawian ng buhay noong Enero 13, 2018.

Reklamong reckless imprudence resulting in homicide na paglabag sa ilalim ng Revised Penal Code at torture resulting in the death of any person, at torture committed against children na paglabag sa Republic Act No. 9745 ang inihain ng mag-asawang Bataan laban sa mga respondent.

Kasama rin sa mga inireklamo ang mga opisyal ng Food and Drug Administration, Research Institute for Tropical Medicine, Sanofi Pasteur at Zuellig Pharma Corporation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?