81
Panibagong oil price hike nakaamba sa Martes
May 19, 2019 @ 15:02
By

Panibagong oil price hike nakaamba sa Martes

Panibangong pasakit na naman sa mga motorista ang panibagong pagtaas ng mga presyo ng produktong petrolyo kabilang na ang gasolina at diesel na nakatakdang itaas sa Martes (Mayo 21).

Dahil sa pabagu-bagong paglalaro ng presyo ng krudo sa world market, tumaas na naman ang presyo ng petrolyo kung kaya asahan na agad na magpapatupad ang mga oil companies ng panibagong oil price hike.

Ang presyo ng gasolina ay inaasahang tataas sa pagitan ng P0.90 hanggang P1.00 kada litro.

Aabot naman sa pagitan ng P0.70 hanggang P0.80 ang dagdag sa halaga ng bawat litro ng diesel samantalang P0.70 hanggang P0.80 rin kada litro ang sa presyo ng kerosene o gaas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?