150

Jul 17, 2018 @ 13:14
By

Panibagong LPA posibleng maging bagyo sa Huwebes – PAGASA

Isa pang low pressure area (LPA) ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa kanlurang bahagi ng Luzon na maaaring maging bagyo sa susunod na 36-oras.

Ayon sa PAGASA, patuloy nitong palalakasin ang habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila hanggang sa katapusan ng linggo matapos lumabas ng bansa si bagyong Henry.

Kaugnay nito, tatlong beses nag-landfall sa Cagayan si bagyong Henry.

Huli itong namataan sa layong 415 kilometro ng Calayan, Cagayan na may lakas na 65 kph at pagbugsong 80 kph habang patungo ng China sa bilis na 45 kph.

Inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility ngayong araw. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?