39

Nov 22, 2018 @ 18:31
By

Panibagong kaso vs Ubial, inihain ni Garin sa DOJ

Dahil pa rin sa isyu ng Dengvaxia vaccine, muling naghain ng panibagong reklamo si dating Department of Health (DOH) Secretary Jeanette Garin laban sa kapwa nito dating kalihim ng kagawaran na si Paulyn Ubial.

Sa kanyang pinakabagong reklamo, nais ni Garin na managot si Ubial sa kasong rekcless imprudence resulting in homicide na paglabag sa ilalim ng Article 365 ng Revised Penal Code (RPC).

Sinisisi ni Garin si Ubial sa pagkamatay ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.

Ito ay nang ipatupad umano ni Ubial ang “Community-Based Dengue Immunization Program.”

Binigyang diin ni Garin na ang mga insidente ng pagkamatay ng mga Dengvaxia vaccinee ay nagsimula sa panahon ng panunungkulan ni Ubial sa DOH.

Ang reklamo ay inihain ni Garin sa Department of Justice kung saan nakabinbin ang mga kasong kriminal laban sa kanya na inihain ng mga magulang ng mga batang namatay umano sa Dengvaxia.

Sa ilalim ng panunungkulan ni Garin, isinulong ang paggamit ng savings ng gobyerno para sa pagbili ng Dengvaxia na wala naman sa 2015 General Appropriations Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?