41
abi
By

Panibagong kaso ng VACC vs Noynoy, gimik lang – Valte

Sharing is caring!

Hindi natinag ang kampo ni dating Pangulong Benigno “noynoy” Aquino III sa panibagong kasong isinampa laban sa kanya ng Volunteer Against Crime and Corruption sa Ombudsman.

Sinabi ni Atty. Abigail Valte, hindi accountability ang habol ng mga naghain ng panibagong demanda laban kay dating Pangulong Aquino kundi taktika ito para mabigyan ng puwesto sa gobyerno.

Ayon kay Valte, malinaw ang pattern na sinomang magsampa ng kaso laban sa dating Pangulo ay nabigyan ng puwesto sa gobyerno, tulad aniya VACC Chairman Dante Jimenez at Atty. Greco Belgica na ngayon ay chairman at commissioner ng Presidential Anti-Corruption Commission.

“The latest VACC complaint has less to do with a true desire to seek accountability, but more of a ploy to get more government posts for themselves.

Even the severely inebriated can see the pattern: anyone who files a complaint against the former president is magically given an appointment,” ani Valte.

Ang panibagong plunder case laban kay dating Pangulong Aquino ay isinampa ni Atty. Ferdie Topacio.

Sinabi ni Valte na handang sagutin ng kanyang kliyente ang mga walang batayang akusasyon sa korte.

“The VACC can be assured that the Former President is ready to respond to their unfounded complaints when required to do so,” dagdag pa ni Valte.

Bukod sa kasong plunder na may kaugnayan sa dengvaxia issue ay nahaharap din ang dating Pangulo ng malversation of public funds at violation of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Kabilang sa mga respondents sa panibagong kaso sa Ombudsman ay sina dating Budget and Management secretary Florencio Abad, dating Executive Secretary Paquito Ochoa, Philippine Children’s Medical Center director Dr. Julius Lecciones, dating Department of Health secretary Janette Garin, at 17 dati at kasalukuyang opisyal ng DOH.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?