51

Aug 5, 2018 @ 22:47
By

Panibagong bagyo, di papasok sa ‘Pinas

Malabo umanong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang namataang panibagong bagyo sa eastern coast, subalit patuloy na makararanas ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Sa pinakahuling weather forecast ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang nabanggit na bagyo na namataan sa ‘eastern coast’ ay hindi mananalasa sa Pilipinas.

Gayunman, patuloy na makararanas ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa, partikular sa MIMAROPA at Western Visayas, sanhi ng habagat.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa naman ay makakaranas ng thunderstorms.

Ayon sa PAGASA, pinalalakas ng low pressure area sa 1,335 kilometers ang habagat sa silangang bahagi ng Aparri, Cagayan.

Nabatid na hindi naman matutuloy sa pagiging bagyo ang namataang ‘low pressure area’ at inaasahang makakalabas ito sa PAR, ngayong araw ng Lunes dahil hinihila umano ito ng ‘tropical cyclone’ na may international name na ‘Shanshan.’

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?