210

By

Pangulong Isko Moreno sa 2022?

Pagtutuunan umano ng pansin ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagseserbisyo sa mga mamamayan ng Manila kapag natapos na ang kaniyang termino bilang mayor.

Nang tanungin si Moreno tungkol sa kung may plano ba itong tumakbo bilang presidente sa 2022, inamin niya na hindi ito pumasok sa kaniyang isipan.

Aniya, “Mas lalo namang problema yan, I owe it to the people of Manila and we deserve something else. I would rather focus sa mandate ng tao sa Manila because they are expecting.”

Binabalak umano ni Moreno na magturo sa lokal na pamahalaan kapag natapos na ang kaniyang termino.

Paliwanag niya, “In fact, after ko mag-mayor magtuturo ako. Honestly, I have been teaching lectures sa local governments. Mase-share ko yung karanasan (ko) more than academic provisions syllabus and laws of Local Government Code.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?