6

Jan 14, 2021 @ 15:50
By

Pangulong Duterte posible pa ring maunang magpabakuna – Roque

Posibleng mauna pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte na magpabakuna sa COVID vaccine para ibalik ang kumpiyansa ng mga Pilipino sa bakuna.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa kabila ng sinabi ng Presidente sa kanyang mensahe sa bayan na sila ang mahuling magpabakuna kasama ang gabinete dahil kailangang unahin ang mga pobreng mamamayan at frontliners.

Sinabi ni Roque na nagsabi na ang Presidente na siya ang mauuna at hindi imposibleng mangyari ito kung hinihingi ng pagkakataon.

“Kung kinakailangan na talagang mauna ang Presidente para magkaroon ng kumpiyansa ang taongbayan, hindi ko naman sinasabing imposibleng mangyari pa rin yon dahil sinabi na nga niya na mauuna siyang magpabakuna ” ani Roque.

Binigyang-katwiran ni Roque ang sinabi ng Presidente na mahuhuli silang magpabakuna dahil ang nais nitong iparating na mensahe sa sambayanan ay uunahing bigyan ng proteksiyon ang mga dukha.

“Sinabi po nya yon dahil ang mensahe niya dapat mauna talaga ang mga dukha, ang mga mahirap na mabigyan ng proteksiyon. And to emphasize that point ang sabi nga niya, ” tayong mga nasa gabinete, huli na tayo,” dagdag ni Roque

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?