87

By

Pangulong Duterte nagtalaga na ng OIC sa DBM

Isang bar topnotcher ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging officer- in-charge ng Department of Budget and Management (DBM) sa katauhan ni Budget Undersecretary Janet Abuel.

Kasunod ito nang pagtalaga bilang Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas kay Budget Secretary Benjamin Diokno.

Si Abuel ay nagtapos ng Master of Public Administration sa Lee Kwan Yu University sa Singapore at Master of Laws sa University of Australia.

Ikinatuwa naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang paghirang ng Pangulo kay Diokno sa BSP dahil taglay nito ang kumbinasyon ng batikang “technocrat” at professional manager.

Kabisado aniya ni Diokno ang mga pasikot-sikot sa gobyerno at may kakayahan ito na patakbuhin ang malaki at kumplikadong organisasyon.

“Dr. Benjamin Diokno brings together that elusive combination of seasoned technocrat and professional manager. He knows the inner workings of government in industry, and has demonstrated the ability to run a large , complex organization with intellectual leadership and a steady hand,” ani Dominguez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?