266

Nov 9, 2017 @ 14:57
By

Pangulong Duterte, matutulad kay Noynoy dahil sa war on drugs

Nagbabala ang ilang taga-oposisyon kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi malalayo ang kapalaran nito kay dating Pangulong Noynoy Aquino sa sandaling bumaba na ito sa puwesto sa 2022.

Ginawa ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang pahayag kasunod ng pagsasampa ng kaso ng Ombudsman kay Aquino sa Sandiganbayan kaugnay ng Mamasapano incident.

Ayon kay Villarin, tiyak na masisingil din si Duterte sa mga paglabag nito sa karapatang pantao dahil sa war on drugs ng kanyang administrasyon.

Hindi lamang aniya sa Pangulo ang babalang ito kundi sa iba pang opisyal ng gobyerno na kapag may ginawang mali o palpak ay tiyak na mananagot sa batas.

“It will happen as long as the Ombudsman remains fiercely independent and remain true to its mandate,” sabi ni Villarin.

Ito rin ang nakikitang dahilan ng kongresista kung bakit gustong alisin ng administrasyon si Ombudsman Conchita Carpio-Morales para makaiwas sa kaso.

“Kaya gusto siyang ipa-impeach ni President Duterte para maglagay sila ng kakamping tuta ng Malacañang,” ayon kay Villarin. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?