26

By

Pangulong Duterte kaunti lang ang ‘bitbit’ sa Indonesia

Sharing is caring!

Anim lamang na miyembro ng gabinete ang kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdalo sa ASEAN Leaders meeting sa Bali, Indonesia.

Kabilang dito sina Departmet of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Finance Secretary Carlos Dominguez, Budget Secretary Benjamin Diokno, NEDA Director General Ernesto Pernia, Special Assistance to the President Bong Go at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Isang araw lamang ang Pangulo sa Indonesia kaya mahigpit ang schedule nito buong araw ngayong Huwebes.

Inaasahang magpupulong ang Pangulo at si Indonesian President Joko Widodo, at sasamantalahin nito ang pagkakataon para iabot ang tulong ng Pilipinas para sa mga biktima ng lindol at tsunami.

Inaasahang babalik sa bansa ngayong gabi ang Pangulo pagkatapos ng mga nakalinyang aktibidad sa ASEAN Leaders meeting.

Didiretso ang Pangulo sa Davao City mula sa kanyang biyahe sa Bali, Indonesia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?