139

Pangulong Duterte idineklarang special working holiday ang huling Lunes ng Enero

Kahit binanatan ang Simbahang Katolika at ang mga doktrina nito, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang huling Lunes ng Enero taon-taon na National Bible Day.

Pinirmahan ng Pangulo ang Republic Act No. 11163 at idineklara itong special working holiday noong Disyembre 20, 2018.

Ayon sa batas na ito, “It is the policy of the State that the government shall aid and encourage development of the moral character and spiritual foundation of the Filipino people.”

“As a predominantly Christian nation and the largest Christian nation in the Asia Pacific, this Act recognizes the value of the Holy Bible as the core of Christian faith.”

Matatandaang tinawag ng Pangulo ang Diyos ng mga Katoliko na ‘stupid’, ang doktrina nito na ‘walang isip’, at ang Simbahang Katolika na ipokritong institusyon sa bansa. (AV)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?