16

Feb 23, 2021 @ 15:45
By

Pangulong Duterte humirit ng konting panahon bago magdeklara ng MGCQ

Humingi si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ng konting panahon bago ipatupad ang mas maluwag na community quarantine status sa buong bansa.

Ito ang inihayag ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles matapos hindi pinagbigyan ng Pangulo ang kahilingan ng kanyang eonomic managers na dapat ipatupad na ang modified general community quarantine (MGCQ) status dahil sa isyung pang-ekonmiya, gutom at malnutrisyon ng mga Pilipino.

Sinabi ni Nograles na nais munang makita ng Pangulo ang resulta ng vaccination roll out bago ideklara ang MGCQ status sa buong bansa.

“The President is asking for a little more time because ang step by step process sa kanya ay vaccination roll out muna. Let’s wait and let’s see kung good and successfull ang vaccination, makita lamang na nagsimula yung vaccination program na may nabakunahan na and then he will make the decision about the MGCQ for the entire country” ani Nograles.

Naniniwala aniya si Pangulong Duterte na may tamang panahon pa sa MGCQ

“Ang sinabi ng Pangulo talaga is there is a time for everything. S in the mind of the President, ang gusto niyang mangyari ay makita muna niya ang pag-roll out ng vaccines bago siya magdesisyon at magreconsider ng MGCQ,” dagdag ni Nograles.

Matatandaang hiniling ng mga economic managers ng gobyerno sa Presidente na ilagay na sa MGCQ status ang buong bansa para makawi at makabangon ang lugmok na ekonomiya dahil sa matinding epekto ng COVID pandemic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?