56

Feb 27, 2021 @ 15:08
By

Pangulong Duterte hiniling sa Kongreso na ipagpaliban muna imbestigasyon sa Commonwealth shootout

Humirit si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara na huwag munang ituloy ang imbestigasyon sa naganap na shootout sa Commonwealth Avenue, Quezon City na kinasangkutan ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na agad aniyang ipinarating sa mga mambabatas.

Sinabi ng kalihim na layunin nito na maayos na makapag-imbestiga ang National Bureau of Investigation (NBI).

“Yes, just to give the NBI go investigate properly,” ani Roque.

Nitong Biyernes ay iniutos ng Pangulo sa PNP at PDEA na itigil na ang imbestigasyon ng joint panel na binuo para alamin ang puno’t dulo ng madugong engkuwentro na ikinasawi ng ilang pulis at ikinasugat ng iba pa.

Sinabi ni Roque na ang NBI na ang hahawak ng imbiesrigasyon para maiwasan ang mga malilikot na imahinasyon ng publiko at mga kritiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?