12

Pangulo ng Mormon church, pumanaw na sa edad na 90

Sharing is caring!

Pumanaw na si Thomas Monson, naging pinuno ng Mormon church mula pa noong 2008 sa edad na 90 sa Utah, USA, ayon sa AFP.

“With tender feelings we announce that Thomas S. Monson, president and prophet of The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints died… in his home in Salt Lake City,” sabi sa isang pahayag ng simbahan.

May kinalaman umano sa katandaan ang ikinamatay ni Monson.

Nagpaabot na ng pakikiramay si US President Donald Trump nitong Miyerkules.

Sa edad na 80, naging ika-16 pangulo ng Church of Jesus Christ of Latter-day Saints noong Pebrero 2008 si Monson.

Kinokonsidera bilang isang propeta ng Mormons si Monson gaya ng Quorum of the Twelve Apostles, na siyang pipili ng susunod na pangulo kapalit nito.

Itinatag ng Amerikanong si Joseph Smith noong 1830 ang Mormon church na isa umanong Kristiyanong grupo ngunit nakabase sila sa Book of Mormon, na naglalaman umano ng buong bersiyon ng mga salita ni Jesus Christ kumpara sa mga nakatala sa Bibliya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?